Monday, June 29, 2009

Commuter's Strategy ni Babaita

Matagal din akong nag-isip kong ano ang magiging entry ko, matagal tagal din kasi na di ko naupdate to, mga two years lang naman. Nothing special naman kasi ang mga pangyayari sa buhay ko ngayon, kahit kahapon, nung isang araw. Kaya ito nalang share nalang ako ng strategies sa pagcocommute alang tsikot eh. Kahit bike nga wala. Well, umpisahan natin sa jeep kasi ito talaga ang madalas kong sakyan from San Juan to Edsa.

Case 1: Kung sobrang dami ang nag-aabang ng jeep tapos karamihan pa boys ganito ang gawin mo:

· Smile ka, tingnan mo kung sino sa kanila yung tipong palaagaw talaga. Tapos pumuwesto tantsahin mo ang pag stop ng jeep, dapat ang pwesto mo eh dun malapit sa likod kasi mas malaki ang posibilidad na makakasakay ka sa likod kaysa sa front. Kasi two lang naman pwedeng sumakay dun, minsan nga 1 na lang kasi nandun si misis ni mamang driver ginagawang konduktor. (Di masyadong effective to pero ito first na naisip ko eh, wala kayong magagawa diskarte ko to).

· Ito nalang, sigurado effective to. Kaibiganin si mamang driver tapos sabihin mo reserve ka sa front seat lagi.

· Kung wala talaga, magbus nalang o kaya taxi.

Case 2: Siksikan sa bus

· Ganito naman gawin mo sa bus, of course put your best smile sa mga cuties and not so cuties na guys(pagbigyan mo na sila kasi ang importante makaupo ka ng maayos sa bus). Tapos tingnan tingnan nyo ang mga pasaherong nag-aayos na ng bag or whatever na bitbit nila kasi for sure malapit ng bumaba yun. Pwesto agad sa side nila. (Effective to sakin ewan ko lang sa inyo)

Case 3: Siksikan sa MRT

· Ito pinakamatindi, lupit ng mga babaita dun ang ingay ingay na bugbog ka pa. Ito pinakamagandang gawin, naobserbahan ko to palagi eh. Kung masyado ng madame ang tao tapos sobrang siksikan na at kung titingnan mo mejo malayo layo ka pa sa yellow platform edge or sa kung san nagbubukas ang door ng train, pumuwesto ka na either sa kaliwa or sa kanan, tapos pagkaabukas ng door diretso ka na kaagad sa gitna, parang bastos ang dating mo pero wala eh yan ang gawain ng karamihan sa mga tao dun. Kung di ka man makapasok atleast sa unahan ka na sigurado sa next train makakapasok ka na. (Effective to base on my observation, mukhang bastos ka nga lang kasi ang tanda tanda mo na di ka pa rin marunong pumila sige lang mag worry ka nalang kung may lumilipad ng kamao papunta sa mukha mo)

Hanggang ditto nalang muna malapit ng mag-1pm. Sana nakatulong naman to kahit papano.

No comments: